Saturday, October 5, 2019

Tula tungkol sa depression

Naranasan mo na bang umiyak
ng hindi mo alam ang dahilan?
naranasan mo na bang umiyak 
ng wala kang matakbuhan?

Yung tipong mayroong kang
problema ngunit wala kang
mapagsabihan.

Yung natatakot kang magsabi
ng iyong tunay na nararamdaman
at baka ikaw ay pagtawanan.

Yung aabot ka sa puntong
nilalamon kana ng labis
na kalungkutan.

Yung lungkot na hindi mo
malaman-laman ang tunay
na pinagmulan.

kung kaya't sa mundong ito
na puno ng panghuhusga
ay lalong nadagdagan ang iyong
pangamba.

Pangamba na baka ikaw ay 
magkamali at matumba.

Sa pagsapit ng bawat gabi
ay hindi mo na maitatanggi
sa iyong sarili ang lungkot
na sa iyong mga mata ay 
tanging mga luha.

Tumutulong mga luha na
nagpapakita ng iyong tunay
na nadarama.

Hinaharap mo ang bawat 
pagsubok at bawat
umaga ng nag-iisa. 

At sa bawat umaga ay lagi
mong dala-dala ang maskara
maskara na nagpapakita sa
harap ng mga madla kung gaano ka kasaya.

Saya na ang nasa likod nito
ay mga luha
mga luha na nagpapatunay ng totong
ikaw dun sa likod ng mahiwagang maskara. 

  

No comments:

Post a Comment